STORYA NG BUHAY KO (Part 1)
Ako pala si Marlo Rayon Hallasgo , laking Kristiyanong Boholano na naninirahan sa CANLAAS , ANTEQUERA , BOHOL . Ako ay pinanganak noong ika 18- ng Disyembre 1997. Ang aking ama ay si Marcelo Solar at ang aking ina naman ay si Marites Solar . Ako ay mayroon lamang isang kapatid siya ay lalaki rin ang pangalan niya ay si Mart Solar at nagtatrabaho siya ngayon kasi hindi na siya nagpatuloy sa pag-aaral dahil narin sa may pagka-pilyong bata , haha . Ang kapatid ko ay isinilang noong ika 12- ng Diyembre 1999. Minsan nag-aaway kami ,lalo na pag nasa bahay kami , pero ganon talaga ang ibang magkakapatid , nag-aaway , pero nagkaka-ayos man lang din. Maaga kaming naulila sa aming ina . Iniwan nya kami noong ako ay 3 taon pa lamang . Ang sabi magtatrabaho lang daw pero di naman bumalik . May mga sabi-sabi rin na dahil rin daw sa pagkalasinggero ng papa ko , kaya yon hindi na naisipan ng mama ko na bumalik pa . Pero masaya narin kami na kami lang at proud ako sa papa ko kasi hindi siya nag-asawa ulit for almost 15 years na waqla ang mama ko . Palagi parin siyang nakasuporta sa amin sa hirap at ginhawa . Mahal ko ang papa ko, hindi ko mahal ang mama ko !!! .. Drama naman to , . Napaiyak tuloy ako.. :( Balik naman tayo sa pagkasilang ko palang , haha . Mula pagkabata ko, marami pa kong mga karanasan/ mga disgrasya na nangyayari sa aking buhay. May mga pagkakataon na hindi mo talaga inaasahan na mangyayari sayo . Kusa lang darating. Ika nga , EXPECT THE UNEXPECTED ..Sabi ng lola ko , noong bata palang ako , bagong luwal palang mula sa sinapupunan ng mama ko , akala daw ng nagpapaanak sa akin at akala ng lola ko at ng mga nakasaksi sa paglabas ko sa mundong ito na hindi na ako mabubuhay. Unang kita daw nila sa akin , namumutla , punong-puno ng dugo tsaka hindi na talaga umiimik o umiyak man lang . Pero sa awa ng Diyos bigla na raw akong umiyak ng pinapalo na ang pwet ko at hinawakan ako patiwarik ( ginagawa ng mga kwak-doctor dati ). Siguro may plano pa sa akin ang Diyos sa mundong ‘to . Ibang pangyayari naman noong isang taon pa raw ata ako noon sa pangyayaring ito . Ganito ang nangyari , nagpakulo daw ng tubig ang mama ko para gagamitin sa pagtitimpla ng gatas para sa akin . Wala pa akong muwang non . Pagkatapos daw mag init ng mama ko ng tubig nilagay lang daw niya sa malapit sa may lababo namin na maaabot ko naman . Ang saya-saya ko siguro noong araw na yon kasi may nakita akong mainit na baso na may gatas .. Pero yon na pala ang unang pagkakamali ko na hindi ko naman masasabi na pagkakamali ko talaga kundi pagkakamali ng mama ko . Ayon inabot ko yong baso na may laman na minit na tubig at sa kasawi-ang palad , lahat ng laman ng baso ay dito natapon sa tiyan ko .. Ayon lutong-luto tong tyan ko . Ang laki ng naging marka ng init na tubig dito sa tiyan ko , mga ilang buwan daw akong nagtiis non sa sobrang sakit kasi nga bata pa ako tapos kita nyo naman ang mga balat ng mga bata , ang ninipis lang. Kung alam nyo lang hanggang ngayon may mapa parin sa tiyan ko klarong klaro pa , hindi parin nawawala . Ang dami ko talagang mga karanasan dati na bata pa ako . Isa rin dito ay yong nahulog ako sa bintana ng aming bahay . Mga nasa 5 feet ata yon , tapos yong bahay namin nasa gilid lang ng bulubundukin. Buti nga hindi ako napunta don sa pinakababa. huhuhu .. God Has a Good Plan for me .. I believe Him .. Ganito daw ang nangyari kasi di kona natandaan yon eh , sinabi / kenikwento lang nila sa akin. Ang mama ko raw ay naglalaba noong oras na yon. Ako hindi ko rin natanong sa kanila kung sino ang nagbabantay sa akin ng oras na’yon. Siguro napansin ko ang mama ko na naglalaba sa ibaba kaya pumatong daw ako sa may kahoy sa aming bintana at dumungaw don na tinitingnan ang aking ina na naglalaba . Hindi naraw ako na awat ng mama ko na wag dumungaw don sa bintana at yon nahulog ako . Pero sa awa parin ng Diyos na hindi nauna ang ulo ko nang bumagsak ako. Yon tinakbo nila ako sa isang manghihilot, at sinabi nga na napilay talaga ako . Sino bang bata ang hindi mapilay non na nahulog sa bintana . Swerte nga ako nabuhay pa . Kaya yon problema naman. Gaya nga ng sinasabi ko
Pa add and follow nalang sa facebook, twitter , at instagram :
SALAMAT ULIT
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento